Bigtime tulak, tiklo sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | February 1, 2021
PAMPANGA—Isang bigtime na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Sto. Cristo, Guagua.
Nakilala ang suspek na si Oliver Songco, residente sa nabanggit na barangay.
Napag-alamang ilang operatiba ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang pagbentahan sila ng droga ni Songco ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng sachet ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Songco.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments