Bigtime tulak, arestado sa motel
@Balitang Probinsiya | July 20, 2023
ILOILO -- Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa loob ng isang motel sa Bgy. Burgos, La Paz District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Mark Pajate, 32, nakatira sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa loob ng isang hindi pinangalanang motel sa naturang barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 12 pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments