Bigtime tulak arestado sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | March 25, 2023
SOUTH COTABATO—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Glamang, Polomolok sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Rey Caspilo, nasa hustong gulang at nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang bentahan sila ng droga ni Caspilo ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Napag-alaman na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mahigit 250 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments