Bigtime tulak, arestado sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | February 22, 2021
CAMARINES SUR—Isang bigtime na drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Triangulo, Naga City.
Nakilala ang suspek na si John Lambert Lamigo, residente ng Bgy. Camaligan sa nasabing lungsod.
Napag-alamang ilang operatiba ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang pagbentahan sila ng droga ni Lamigo ay dito na dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 50 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Lamigo.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments