Bigtime tulak, arestado sa buy-bust
- BULGAR
- Nov 4, 2020
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | November 04, 2020
Zambales—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Olongapo City.
Kinilala ang suspek na si Erickson Flores, nakatira sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, may nag-tip sa pulisya na bigtime drug pusher si Flores kaya nagsagawa ng buy-bust operation dahilan kaya naaresto ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng 105 gramo ng shabu na nagkakahalagang P700,000 sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments