Bigtime pusher, timbog sa buy-bust
- BULGAR
- Sep 22, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | September 22, 2023
NUEVA ECIJA -- Isang bigtime na drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Cruz Roja, Cabanatuan City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ng pulisya ang suspek habang isinasailalim ito sa masusing imbestigasyon.
Napag-alaman na naaresto ng awtoridad ang suspek nang pagbentahan nito ng hinihinalang shabu ang mga awtoridad na nagpanggap na buyer.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 58 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments