Bigtime pusher, timbog sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | April 11, 2023
ILOILO—Isang bigtime drug pusher ang nadakip sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Parara Sur, Tigbauan sa lalawigang ito.
Ang nadakip na suspek ay nakilalang si Mark Serra, 38, residente ng nabanggit na bayan.
Nabatid na nadakip ang suspek sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa nasabing barangay.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 120 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments