Bigtime pusher, timbog drug-bust
@Balitang Probinsiya | Oct 19, 2021
CAMARINES NORTE—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. San Roque, Mercedes.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Marvin de Arao, 27-anyos, nakatira sa naturang bayan.
Napag-alamang nagpanggap na buyer ng droga ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng shabu ng mga suspek ay dito na dinakip ang drug pusher.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng walong sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin siya ng mga operatiba at sa ngayon ay nahaharap siya sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments