Bigtime pusher, tiklo sa motel
@Balitang Probinsiya | June 19, 2023
ILOILO -- Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa loob ng isang motel sa Infante, Molo sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si John Alvin Palomar, 44, nakatira sa Bgy. Bakhaw, Mandurriao District, Iloilo City sa nasabing lalawigan.
Sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng mga operatiba sa loob ng isang hindi pinangalanang motel sa naturang bayan.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 180 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments