Bigtime pusher, tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | November 19, 2023
LAGUNA -- Isang bigtime pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Sto. Niño, Biñan City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan siya ng pulisya.
Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang mga otoridad na nagbebenta ng umano’y shabu ang suspek kaya nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan upang madakip ang bigtime drug pusher.
Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 1,000 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments