Bigtime pusher tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | December 16, 2022
QUEZON—Isang bigtime drug pusher ang nadakip sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Poblacion 61, Real.
Ang suspek ay nakilalang si Jomel Lucera, 45-anyos at nakatira sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, naaresto si Lucera sa isinagawang drug bust operation sa naturang barangay.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 59 gramo ng shabu at sachet ng cocaine sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments