Bigtime pusher, tiklo sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | December 2, 2020
ZAMBOANGA CITY—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Kasangyangan.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Nadzmin Misba, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat, may nag-tip na bigtime drug pusher si Misba kaya nagsagawa ng drug-bust operation dahilan kaya naaresto ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na pakete ng shabu sa pag-iingat ng suspek.
Hindi na nanlaban at kusang sumama sa pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments