Bigtime pusher, tiklo sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | June 16, 2021
PAMPANGA—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Malabanias, Angeles City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na Miguel Omar, tubong Naga City.
Napag-alamang nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba at nang pagbentahan sila ng droga ni Omar ay dito na inaresto ng pulisya ang suspek.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng 500 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments