top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bigtime pusher, tiklo

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 9, 2023


LAGUNA – Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Biñan City sa lalawigang ito.


Itinago muna ng mga awtoridad ang suspek sa alyas na "Alfred", nasa hustong gulang habang iniimbestigahan ito sa himpilan ng pulisya.


Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang bentahan sila ng droga ni "Alfred" ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page