Bigtime pusher, tepok sa shootout
- BULGAR

- Mar 15, 2021
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | March 15, 2021
CAMARINES SUR—Isang bigtime drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Itangon, Bula.
Ang suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinilala ng pulisya na si Raymund Sureta, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant ang bahay ni Sureta, pero biglang pinagbabaril ng suspek ang mga awtoridad.
Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang mga operatiba dahilan kaya napatay ang suspek.
Nakarekober ang pulisya ng baril, mga bala at 36 sachets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.



Comments