Search
  • BULGAR

Bigtime pusher, huli sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | March 2, 2021



ZAMBALES—Isang bigtime na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Mangan-vaca, Subic.


Nakilala ang suspek na si Abdul Ismael, residente ng Calapacuan sa nabanggit na bayan.


Napag-alamang ilang operatiba ang nagpanggap na buyer ng shabu at nang pagbentahan sila ng droga ni Ismael ay agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.


Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 17 sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ni Ismael.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.