Bigtime pusher, arestado
@Balitang Probinsiya | August 29, 2023
ILOILO -- Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Talisay, Barotac sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si John Wilfred Cenal, nasa hustong gulang at nakatira sa naturang barangay.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 60 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments