top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Bigtime drug pusher, timbog

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 18, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 18, 2023


MOUNTAIN PROVINCE -- Isang bigtime pusher ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Alab, Bontoc sa lalawigang ito.


Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan siya ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng umano’y shabu ang suspek kaya nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba na naging dahilan upang madakip ang bigtime drug pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page