Bigtime drug pusher, huli sa buy-bust
@Balitang Probinsiya | October 28, 2022
LAGUNA—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Looc, Calamba City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Erwin Almadovar, nakatira sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nagsagawa ng buy-bust operation sa naturang barangay kaya nadakip dito ang suspek.
Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang gramo ng shabu at marked money sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments