Bigtime drug pusher arestado
@Balitang Probinsiya | March 22, 2023
CAPIZ—Isang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Malocloc Sur, Ivisan sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Andresito Pinongcos, 41, residente ng nasabing bayan.
Ayon sa ulat, nagpanggap na buyer ng shabu ang mga operatiba, at nang bentahan sila ng droga ni Pinongcos ay dito na agad dinakip ng mga awtoridad ang suspek.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng anim na sachets ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Hindi naman nanlaban ang suspek at ngayon ay nakapiit na siya sa detention cell ng himpilan ng pulisya.



Comments