Bigtime drug dealer, arestado
@Balitang Probinsiya | ngayong Marso 10, 2024
ILOILO -- Isang bigtime drug dealer ang nadakip sa buy-bust operation ng mga otoridad kamakalawa sa Brgy. Guinticgan, Carles sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Peter Menguis, 25 at residente ng bayan ng Banate sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, naaresto ang suspek nang pagbentahan nito ng umano’y shabu ang mga operatiba na nagpanggap na buyer.
Nabatid na nakakumpiska ang mga otoridad ng 160 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments