Bibili ng bike at nakita si Derek Ramsay
ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | March 17, 2021
Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Joy ng Quezon City.
Dear Maestra,
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko kagabi na nagda-drive ako nang mabilis sa malubak at mabatong kalsada? Tapos bibili ako ng bike at nakita ko ru'n si Derek Ramsay na bibili rin ng bike.
Naghihintay,
Joy
Sa iyo, Joy,
Ang ibig sabihin ng panaginip mo ay nangangarap ka ng kaginhawaan at kaligayahan sa buhay. Madalas mong itanong sa iyong sarili na, "Kailan kaya ako liligaya at giginhawa nang bonggang-bongga, 'yung feeling Doña na ako? May nakalaan pa kaya sa aking kaligayahan sa pag-ibig? Kasing-guwapo kaya siya ni Derek Ramsay?"
Dobleng pag-iingat ang ipinahihiwatig ng panaginip mo, hindi lamang sa pagpapasya kundi maging sa pakikisalamuha mo sa mga taong nakapaligid sa iyo. Ang bike ay nangangahulugan na dapat mong gamitin ang iyong isip at talino sa pagpapasya, kumbaga, huwag kang pabigla-bigla sa pagdedesisyon.
May babala rin na malilinlang ka sa pagpili ng pagkakatiwalaan sa iyong trabaho o sa bahay man. Ito rin ay nangangahulugan na may magtatangkang sumira sa reputasyon mo o agawin ang iyong trono. Sa madaling salita, may naiinggit sa iyo.
Gayundin, halos ang ibig sabihin ng nakita mo si Derek Ramsay na bibili rin ng bike ay nangangahulugan na may panganib ang pinakamimithi mo. Ang ipinaplano mo sa iyong buhay ay malamang na hindi matuloy dahil mali ang naging desisyon mo.
Gamitin mo ang iyong isip, talino at common sense sa pagdedesisyon. Be practical and be simple. Huwag masyadong mataas ang pangarap.
Matapat na sumasaiyo,
Maestra Estrellia de Luna




Comments