top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

BFF na aktres, laging absent sa 2 weddings niya…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 24, 2020
  • 2 min read

PRAMIS NI AIKO: KASAL SA VICE-GOV NA BF, 'DI TULOY 'PAG WALA SI RUFFA!

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 24, 2020



Kinumpirma ni Ruffa Gutierrez na sila pa rin ng French-Israeli boyfriend na si Jordan Mouyal. May tsismis kasi last year pa na nag-break na sila at hindi na rin kasi siya masyadong ikinukuwento ng aktres kaya marami ang nag-akala na wala na sila.


Pero sa live tsikahan online nila ng mga kaibigang sina Aiko Melendez at Carmina Villarroel last Saturday ay diretso siyang tinanong ni Mina kung ‘yun pa rin ang boyfriend niya.


“'Yun pa rin,” pag-amin ni Ruffa sabay tawa. “Na ayaw pa rin ng nanay ko,” dugtong pa niya.


Tinanong din siya ni Carmina kung may balak ba silang magpakasal at ayon kay Ruffa ay wala raw.


“Ako naman kasi, I’ve already experienced it and that’s fine and that’s great. Siguro magpapa-birthday na lang ako every year,” natatawa niyang sabi.


Dagdag pa niya, magsusuot na lang siya ng white every year sa birthday niya at iimbitahan ang mga friends.


Pangungulit pa ni Mina, paano raw kung mag-propose ang boyfriend sa kanya?


“Siguro, hindi pa ako ready,” sey niyang natatawa.


“Alam mo kasi, iba na ang pananaw ko. I mean, this can be agreeable to other people or not, pero siguro, for me, parang mas type ko na ‘yung ganitong set-up,” she said.


Biniro ni Ruffa si Mina na si Aiko raw ang dapat tanungin since in a relationship din ito ngayon with Zambales Vice-Governor Jay Khonghun kaya tinanong din naman siya ng asawa ni Zoren Legaspi.


“Oo, siyempre, girlfriend (tawagan nila ni Mina), 'di ba? I’m not getting any younger and siyempre, gusto ko, papunta na rin kami ru’n sa one big family, happy family.


“Saka, quotang-quota na ako, 'di ba, girlfriend? Gusto ko namang tumanda nang may kasama ako,” sabi ni Aiko.


Matatandaang dalawang beses nang ikinasal si Aiko — first with Jomari Yllana at pangalawa naman ay kay Martin Jickain. Pareho nang annulled ang dalawang marriages na ito.


Present daw lagi si Mina sa mga kasal ni Aiko pero ayon kay Ruffa, siya raw ay hindi pa naka-attend ng kahit isang wedding ng aktres. Marahil daw ay nagkakataong nasa abroad siya sa mga panahong 'yun.


Biro ni Aiko, “Kaya siguro nahihiwalay ako dahil wala ka.” Tawanan.


“Kaya this time around, you really have to be there Mare. 'Pag wala ka, ayun na ang pangitain,” sey pa ni Aiko.


Sambit naman ni Mina, 'pag wala si Ruffa ay ‘wag nang ituloy ang kasal at um-agree naman si Aiko.


“'Pag hindi puwede si Ruffa, okay, postpone, cancel,” ani Aiko.


Sina Aiko, Mina at Ruffa ay long-time friends na dahil nagkasama sila sa pelikulang Underage Too noong mga teen-agers pa sila. Sa paglipas ng panahon ay nanatili ang pagiging magkakaibigan nila at kahit hindi raw sila madalas magkita ay never nagbago ang kanilang magandang samahan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page