BF na umatras sa pramis na kasal dahil ‘di na virgin si girl, makakatulyan pa rin

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| November 3, 2020

KATANUNGAN
May boyfriend ako ngayon, kaya lang, mukhang nagbago na siya nang may nangyari sa amin at natuklasan niyang may nakaraan na ako. Pero noong wala pang nangyayari sa amin, sinasabi niyang pakakasalan niya ako at hinding-hindi niya raw ako iiwan.
Ngunit ngayon, dalawang buwan na siyang hindi nagpapakita mula nang huli kaming mag-date at hindi ko alam ang rason niya. Nagtataka talaga ako kasi hindi rin niya sinasagot ang mga text at tawag ko.
Nahihirapan na ako sa sitwasyon namin, kaya gusto ko nang makipag-break sa kanya. Sa palagay n’yo, Maestro, dapat na ba akong makipag-break dahil madalang na lang din kaming nagkikita? Sana ay matulungan n’yo ako.
KASAGUTAN
Kaya nakikipagrelasyon ay para sumaya, pero kung malungkot ka naman ngayon dahil hindi nakikipagkita ang boyfriend mo at hindi rin sumasagot sa tawag mo, tama ang nasa isip mo na makipag-break sa kanya. Baka sa sandaling nawala ka sa buhay niya at nagkataong mahal ka pala talaga niya, malalaman at maramdaman din niya sa wakas ang tunay mong halaga.
Kaya lang, iba ang nakasulat sa palad mo kung saan sinasabing hindi kayo maghihiwalay ng boyfriend mo. Ito ang nais sabihin ng maganda at matatag na ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow a.), na sinuportahan din ng maayos at magandang Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Ibig sabihin, kapag nag-usap kayo nang masinsinan, ‘ika nga ay “heart-to-heart talk”, tiyak ang magaganap. Hindi matatapos ang buwan ng Nobyembre o bago mag-Disyembre, abot na abot sa araw ng Pasko, muli kayong magkakasundo, kasabay nito habang lumalamig ang panahon ay unti-unti namang iinit at lalo pang sasarap ang inyong pagmamahalan.
DAPAT GAWIN
Ayon sa iyong mga datos, Rhealyn, basta magkausap kayo ng boyfriend mo na tiyak namang magaganap ngayong Nobyembre, magkakasundo kayo upang muling mag-init ang inyong relasyon, hanggang sa tuluyang maganap ang nakatakda – kayo na ang magkakatuluyan at habambuhay na magsasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.




Comments