top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Bf na nakilala sa socmed, makakatuluyan kung tunay na binata

BULGAR
Apr 29, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| April 29, 2022


Dear Maestro,


May boyfriend ako at sa social media ko lang siya nakilala at mas matanda siya sa akin nang seven years. Compatible ba kami at totoo ba ang sinasabi niyang siya ay binata? Siya kasi ang first boyfriend ko at sa edad kong 27, gusto ko na ring mag-asawa kung magiging okey ang relasyon namin. January 15, 1995 ang birthday ko, habang August 27, 1988 ang birthday niya.


Umasa,

Jhelay ng Sabang, Magdalena, Laguna


Dear Jhelay,


Kung ang nasabing lalaki ay nakasuot ng pula o asul sa unang araw na kayo ay magkita, habang ikaw ay ganundin, posibleng kayo na ang magkatuluyan. Dahil magiging mahiwaga at mahalaga sa inyong samahan ang nasabing kulay at mga petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27.


Samantala, bago ka magpakasal sa kanya, dapat alamin mo munang mabuti ang background ng kanyang pamilya, kung siya ba talaga ay binata. Marami kasing lalaki ngayon na kapag nakuha na ang gusto sa isang babae, saka nila ipagtatapat ang katotohanang sila ay may asawa na. Tama nga naman, dahil nakuha na nila ang gusto nila sa babae, ito namang si babae ay maaaring hindi na makaatras sa boyfriend niyang may asawa na dahil naipagkaloob niya na ang kanyang pagkababae. Kaya ang kadalasang nangyayari, ang babaeng pumatol sa lalaking may asawa na ay habambuhay na nagiging number two o kabit.


Hindi dapat mangyari sa iyo ‘yun, Jhelay. Bagkus, tulad ng nasabi na, alamin mo munang mabuti ang family background ng nasabing lalaki bago mo tuluyang ipagkaloob ang pagtitiwala at pagkababae mo sa kanya.


Kung natuklasan mong binata talaga siya, tunay ngang ang zodiac sign mong Capricorn at Virgo naman ang nasabing lalaki ay nagpapatunay na compatible kayong dalawa. Dahil ang Virgo at Capricorn ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong earth o lupa. Habang sa Numerology, kapwa nasa series of 3-6-9 ang inyong birthday na 15 at 27, ibig sabihin, tugma talaga kayong dalawa sa isa’t isa.


Kaya kung nagkakasundo naman talaga at kung nagbabalak na kayong magpakasal, sinasabi ng iyong Love Calendar na ang pinaka-favorable years para ikaw ay mag-asawa ay sa taong 2024 hanggang 2025, sa edad mong 28 pataas, upang mas matiyak ang maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page