top of page

Bf na foreigner, gusto nang mag-settle sa gf na Pinay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 15, 2023
  • 2 min read

ni Sister Isabel del Mundo @Mga Kuwento ng Buhay at Pag-ibig | March 15, 2023


Dear Sister Isabel,


Shoutout sa inyong lahat at magandang araw sa inyo. Gusto kong isangguni ang problema ko. Mayroon akong boyfriend na foreigner, hindi pa kami nagkikita nang personal, pero dama namin ang pag-ibig ng isa’t isa. Isa siyang businessman sa Oman at taga-roon din siya.


Gayunman, gusto niya na magkita kami sa Canada dahil nagbukas siya ng negosyo ru’n.


Gayundin, balak niya na ru’n kami magpakasal at tumira, at sagot niya raw ang lahat ng expenses ko papuntang Canada. Pinapaayos na niya ang lahat ng dokumento ko upang du’n kami mag-settle down bilang mag-asawa.


Pero, Sister, hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang offer niya. Although, ramdam ko na mabait naman siyang tao at hindi manloloko.


Ano ang aking gagawin, tatanggapin ko na ba ang offer niya? Umaasa ako na magagabayan n’yo ako sa aking pagpapasya.

Nagpapasalamat,

Glory ng Tanay Rizal


Sa iyo, Glory,


Una sa lahat, tanungin mo muna ang iyong sarili kung mahal mo ba talaga siya o materyal na bagay lang ang hangad mo sa kanya dahil mayaman siya? Mahalagang maging tapat ka sa sarili mo kung tunay na pag-ibig ba ang nadarama mo. Kung talagang mahal mo siya at ganundin siya sa iyo, sundin mo ang tibok ng puso mo, pumunta ka sa Canada at pakasalan siya.


Mahalin mo siya bilang asawa at hindi dahil maibibigay niya ang lahat ng luho mo sa buhay.

Ang mag-asawang nagmamahalan ay pagpapalain habambuhay.


Pagpalain nawa kayo at patnubayan ang inyong pagsasama ng Diyos Ama sa langit. God is love, love is God. Maging sentro nawa ng pagsasama n’yo ang Diyos na may gawa ng langit at lupa.


Sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page