Beybi natagpuang patay
- BULGAR

- Mar 1, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | March 1, 2023
MASBATE — Isang batang lalaki ang natagpuang patay habang nakalutang kamakalawa sa sapa sa Bgy. Talib, Aroroy sa lalawigang ito.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Kent Oliverio, 1-taong gulang, at residente ng nasabing bayan.
Nabatid na ilang residente ang nag-report sa pulisya tungkol sa natagpuan nilang patay na bata na nakalutang sa sapa.
Ayon sa ulat, huling nakitang buhay ang bata habang naglalaro sa gilid ng sapa.
Dahil dito, lumitaw sa imbestigasyon na nahulog ang bata sa sapa kaya nalunod ito at namatay.



Comments