top of page
Search
BULGAR

Benepisyong PhilHealth sa malubhang dengue, tumaas nang doble

by Info @Brand Zone | Nov. 11, 2024



Nobyembre 8, 2024 | PR 2024-0020


Upang lubos na pagaanin ang gastos sa gamutan, itinaas kamakailan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pakete nito sa severe o malubhang dengue sa P47,000 mula sa dating P16,000 simula Nobyembre 1, 2024.


Kasunod ito ng naunang pagtataas sa benepisyo para sa dengue na mayroon o walang sintomas sa P13,000 mula sa dating P10,000 noong Pebrero 14, 2024.


"Patuloy na nakasuporta ang PhilHealth sa mga Pilipino lalo na sa mga panahong laganap ang pagkakasakit. Sa halos dobleng pagtaas ng benepisyo para sa malulubhang kaso ng dengue, umaasa kaming mababawasan nang malaki ang pasanin ng mga pasyente at kanilang pamilya,” pahayag ni PhilHealth President at CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr.


“Kapag may mga sintomas na ng dengue, huwag na po kayong magdalawang-isip. Huwag matakot sa pagpapagamot, sagot kayo ng PhilHealth.", dagdag pa niya.


“Kapag may mga sintomas na ng dengue, huwag na po kayong magdalawang-isip. Huwag matakot sa pagpapagamot, sagot kayo ng PhilHealth.", dagdag pa niya.


Ayon sa Department of Health noong Oktubre 4, 2024, umabot na sa 269,467 ang mga kaso ng dengue sa buong bansa, kung saan ang National Capital Region ay dineklara na sa alert level dahil sa naitalang 24,232 mga kaso.


Nagpaalala naman ang PhilHealth na sa mga serbisyong nakapaloob sa minimum standards of care, dapat ay walang co-payment o dagdag-bayad ang pasyente kung na-admit sa ward accommodation. Kung ang pasyente naman ay kumuha ng upgraded services, pumili ng duktor, o gumamit ng amenities gaya ng private, executive, o suite rooms na may refrigerators, microwave ovens, at Wi-Fi, may karagdagang bayarin na o co-payment. Ayon sa PhilHealth, dapat na ipaliwanag itong mabuti ng doktor o pasilidad para sa kinakailangang informed consent ng pasyente. 


Para sa karagdagang mga katanungan tungkol sa severe dengue package at iba pang mga benepisyo, tumawag sa 24/7 Hotline ng PhilHealth sa (02) 866-225-88 o sa mga mobile numbers na sumusunod (Smart) 0998-857-2957, 0968-865-4670, (Globe) 0917-127-5987, o 0917-110-9812.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page