top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Benefits para sa health workers, itodo na

BULGAR
Sep 17, 2021
1 min read

@Editorial | September 17, 2021


Base sa talaan ng Department of Health (DOH), aabot na sa 104 na healthcare workers ang namatay matapos magpositibo sa COVID-19.


Sa kabuuan, nasa 24, 284 healthcare workers na ang nagpositibo sa naturang sakit, kung saan 366 ang active cases — 221 ang mild, 95 ang asymptomatic, 20 ang moderate, 21 ang severe condition habang siyam ang kritikal.


Nakapanlulumo ang kanilang pagbubuwis-buhay sa isang kalaban na hindi nakikita.

Araw-araw na pagsasakripisyo para sa buhay ng ibang tao.


Kaya ang patuloy na panawagan sa kinauukulan, itodo na ang pagkakaloob sa kanila ng mga benepisyo at proteksiyon.


Sa ngayon, isang panukala ang layon na mabigyang-tuon ang usaping ito.


Nakasaad sa Allowances and Benefits for Healthcare Workers Act of 2021 na tatanggap ng mga kinakailangan benepisyo at allowances ang mga nagtatrabaho sa mga pasilidad pangkalusugan sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Ang buwanang special risk allowance ay bukod pa sa hazard pay na nakasaad na sa RA 7305 o ang Magna Carta of Public Health Workers.


Sa pamamagitan man lang nito ay maipakita natin ang ating pasasalamat sa kanilang kabayanihan.


Matatandaang, walang pondong inilaan para sa SRA sa 2022 budget ng DOH, kailangan itong gawan ng paraan.


Alagaan at protektahan din sana natin sila. Sobra na ang kanilang paglilingkod, marami sa kanila ang pagod na pero hindi sumusuko.


Anumang tulong o suporta na puwedeng ibigay, itodo na natin bago pa mahuli ang lahat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page