Bebot, timbog sa buy-bust
- BULGAR
- Aug 13, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 13, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 19-anyos na dalaga ang nadakip sa buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Arevalo District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 15 gramo ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments