Bebot tepok, kelot sugatan sa riding-in-tandem

@Balitang Probinsiya | December 21, 2020
NORTHERN SAMAR—Isang 45-anyos na babae ang namatay at sugatan naman ang isang lalaki nang barilin sila ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Sta. Clara, Bobon.
Kinilala ang nasawi na si Amy Capoquian, samantalang ang sugatan ay si Enrico Tipasi, 45-anyos, residente sa nasabing bayan.
Nabatid na kalalabas lang nina Capoquian at Tipasi sa bakuran ng dinaluhan nilang lamay ng patay nang sumulpot ang dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang dalawang biktima.
Kaagad dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Capoquian.
Inaalam na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa dalawang biktima.



Comments