Bebot sugatan sa ambush
@Balitang Probinsiya | Pebrero 2, 2023
BATANGAS—Isang 38-anyos na babae ang sugatan sa pang-a-ambush ng isang hindi kilalang lalaki kamakalawa sa Bgy. Manghinao 1, Bauan sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang nagtamo ng dalawang tama ng bala sa braso na si Helen Yee, residente ng Bgy. Poblacion, San Pascual sa nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, habang lulan si Yee ng kanyang kotse ay sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang biktima.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek.
Nagpalabas na ngayon ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga salarin, samantalang ginagamot na ang biktima sa ospital.



Comments