top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bebot sinaksak ng ex-live in partner

BULGAR
Oct 24, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | October 24, 2022


PALAWAN—Isang 31-anyos na babae ang nasa kritikal na kalagayan nang saksakin ng kanyang dating live-in partner kamakalawa sa Bgy. Ipilan, Narra.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Jorie Palabrica, samantalang ang suspek ay si Bedwin Duga, 32-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, matapos magpasyang maghiwalay ay pinag-usapan ng dating magka-live-in kung kanino sa kanila dapat mapunta ang kostudiya ng kanilang isang anak.


Nabatid na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sina Palabrica at Duga, kaya pinagsasaksak ng suspek ang biktima.


Kaagad nadakip ng mga rumespondeng pulisya ang suspek, samantalang inoobserbahan pa sa pagamutan ang biktima.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page