top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bebot, niratrat ng mga armado

Writer: BULGAR
BULGAR
May 16, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | May 16, 2023


DAVAO CITY—Isang babae ang namatay nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki, kamakalawa sa Bgy. Ma-a, sa lungsod na ito.


Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Anabelle Elizagaque, nasa hustong gulang at residente ng Bgy. Dumong sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, habang lulan si Elizagaque ng kanyang SUV (Sports Utility Vehicle), biglang sumulpot ang mga hindi kilalang salarin at agad pinagbabaril ang biktima.


Mabilis na tumakas ang mga suspek nang matiyak na patay na ang biktima.


Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang kay Elizagaque.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page