Bebot, nilikida ng 2 armado

@Balitang Probinsiya | November 20, 2020
NUEVA ECIJA—Isang 27-anyos na babae ang namatay nang barilin ng dalawang hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Pamaldan, Cabanatuan City.
Ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Charlene Louise Lindo, residente sa nasabing lungsod.
Ayon sa ulat, habang nasa loob ng kanilang tindahan si Lindo ay biglang sumulpot ang dalawang suspek na nakasakay sa motorsiklo at may suot na bonnet at agad binaril sa ulo ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.
Kaugnay nito, nagpalabas na rin ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga salarin.



Comments