top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Bebot natagpuang patay sa tulay

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 4, 2023



CAMARINES SUR—Isang 23-anyos na dalaga ang natagpuang patay kamakalawa sa ibana ng tulay ng Brgy. Punong, Magarao sa lalawigang ito.


Sa kahilingan ng pamilya ng biktima, ay itinago na lamang ang dalaga sa pangalang "Tin," residente sa nasabing barangay.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa ibaba ng tulay sa nasabing barangay.


Sa pagsisiyasat ng pulisya, ay huli umanong nakitang buhay ang biktima habang naglalakad sa tulay.


Inaalam ngayon ng pulisya kung nagpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pagtalon sa tulay, o kung may naganap na foul play sa kamatayan ng dalaga.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page