top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Bebot, natagpuang patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 7, 2024
1 min read

@Balitang Probinsiya | Enero 7, 2024

PANGASINAN -- Isang babae ang natagpuang patay habang nakasubsob sa kanyang motorsiklo kamakalawa sa Brgy. Salay, Mangaldan sa lalawigang ito.

 

Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Lina Abrio, nasa hustong gulang at nakatira sa Brgy. Bantayan sa nabanggit na bayan.

 

Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa duguang bangkay ng biktima na nakasubsob sa motorsiklo nito sa nasabing lugar. 

 

Ayon sa ulat, huling nakitang buhay si Abrio habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo. 

 

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naganap na krimen.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page