top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Bebot, natagpuang patay

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 31, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | August 31, 2023


LAGUNA -- Isang babae ang natagpuang patay kamakalawa sa loob ng kanyang bahay sa Bgy. Laram, San Pedro sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Razel Bautista, residente ng nabanggit na barangay.


Napag-alaman na ilang residente ang nakatagpo sa duguang bangkay ng biktima na may mga tama ng saksak sa katawan sa loob ng kanyang bahay.


Nabatid na mag-isa lang naninirahan ang biktima sa kanyang bahay.


Sa imbestigasyon, napag-alaman na mga magnanakaw ang posibleng pumatay sa babae dahil may mga nawawalang gamit sa bahay ng biktima.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page