top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bebot natagpuang patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 20, 2023
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 20, 2023


AKLAN—Isang 32-anyos na babae ang natagpuang patay kamakalawa sa baybayin ng ilog na sakop ng Bgy. Baybay, Makato sa lalawigang ito.


Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Myla Nagales, residente ng Bgy. Galicia, Madalag sa nabanggit na lalawigan.


Nabatid na ilang residente ang nakatagpo sa bangkay ng biktima sa baybayin ng ilog sa nasabing barangay.


Sa pagsisiyasat ng pulisya, huli umanong nakitang buhay si Nagales habang tumatawid sa ilog ng Bgy. Galicia.


Dahil dito, ayon sa puiisya ay posible umanong tinangay ng malakas na agos ng tubig-ilog ang biktima kaya ito nalunod at namatay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page