Bebot, nabiktima ng “Akyat-Bahay Gang”
@Balitang Probinsiya | December 14, 2021
ALBAY—Isang 33-anyos na babae nag nabiktima ng “Akyat-Bahay Gang” nang looban ang kanyang bahay kamakalawa sa Bgy. San Francisco, Malipot.
Ang biktima ay kinilala ng pulisya na si Florylyn Guererro, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, natutulog umano ang biktima nang looban ang kanyang bahay ng mga hindi pa nakikilalang miyembro ng “Akyat-Bahay Gang”.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na sa likurang pinto ng bahay ng biktima dumaan ang mga suspek.
Napag-alamang natangay ng mga suspek ang mga gadgets, alahas at cash ng biktima.



Comments