Bebot nabangga na, nasagasaan pa ng bus
@Balitang Probinsiya | November 7, 2022
LAGUNA—Isang babae ang namatay nang aksidenteng mabangga at masagasaan ng pampasaherong bus kamakalawa sa national highway ng Bgy. Bagong Kalsada, Calamba City.
Ang biktima ay nakilalang si Arlene Ramirez, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, mabilis umano ang takbo ng bus na minamaneho ni Rey Mistar, nasa hustong gulang, kaya aksidenteng nabangga at nasagasaan nito ang biktima na tumatawid sa kalsada.
Nabatid na agad namatay ang biktima sa pinangyarihan ng aksidente.
Nahaharap si Mistar sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.



Comments