Bebot na tulak, timbog
- BULGAR
- Jan 28, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | Enero 28, 2023
ALBAY — Isang babaeng drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Agos, Polangui sa lalawigang ito.
Itinago muna ng pulisya ang suspek sa pangalang Bem, 42, habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng limang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.



Comments