Bebot na tanod, 2 pa tiklo sa drug-bust
@Balitang Probinsiya | August 19, 2023
ILOILO --Tatlong katao, kabilang ang isang babaeng barangay tanod ang nadakip sa drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Calumpang, Molo District, Iloilo City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Sherra May Garcia, barangay tanod; Fritz Asilo at Jessan Asilo, pawang nasa hustong gulang at mga nakatira sa nasabing barangay.
Nabatid na may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng shabu ang mga suspek kaya agad nagsagawa ng drug-bust operation ang mga ito na naging dahilan upang maaresto ang mga drug pusher.
Ayon sa ulat, nakakumpiska ang mga awtoridad ng 15 pakete ng hinihinalang shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nahahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments