Bebot na shoplifter, nasakote
@Balitang Probinsiya | November 23, 2021
ILOILO—Isang babaeng shoplifter ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa loob ng grocery store sa city proper ng Iloilo City.
Hindi na muna pinangalanan ang suspek habang iniimbestigahan pa ito ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, itinago ng suspek sa loob ng kanyang damit ang ilang paninda na ninakaw nito sa grocery store.
Nang makita ng mga kawani ng grocery store ang pagnanakaw ng suspek ay agad itong ini-report sa pulisya kaya nadakip ang shoplifter.
Nabatid na sinampahan na ng pulisya ng kasong qualified theft ang suspek.



Comments