top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bebot na rider todas sa trak

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 9, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | Pebrero 9, 2023


ALBAY – Isang babaeng rider ang namatay nang aksidenteng sumemplang ang minamaneho niyang motorsiklo at pagkaraan nasagasaan pa ng isang trak kamakalawa sa Brgy. Arimbay, Legazpi City sa lalawigang ito.


Kinilala ang biktima na si Erika Munoz, 25, residente ng Bgy. Arimbay sa nasabing lungsod.


Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol si Munoz sa pagmamaneho ng motorsiklo kaya sumemplang ito, at pagkaraan ay nasagasaan pa ng isang trak ang biktima.


Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba't ibang parte ng katawan ang biktima na agad nitong ikinamatay.


Kusang sumuko naman sa pulisya ang driver ng trak na si Simeon Pua, nasa hustong gulang, na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page