Search
  • BULGAR

Bebot na rider, todas sa pader

@Balitang Probinsiya | March 8, 2021



ILOCOS SUR—Patay ang dalagang rider nang aksidenteng bumangga sa pader ang kinalululanan nitong motorsiklo kamakalawa sa Vigan City.


Nakilala ang biktima na si Thaleah Renon, 19-anyos at residente ng Bgy. Salendig sa naturang bayan.


Batay sa imbestigasyon, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng motorsiklo ang biktima dahilan upang bumangga ito sa pader.


Nabatid na nagkaroon ng malaking pinsala sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.