Bebot na rider, nilikida ng kelot na rider
@Balitang Probinsiya | November 15, 2023
CAPIZ -- Isang babaeng rider ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang lalaking rider kamakalawa sa national highway ng President Roxas sa lalawigang ito.
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Sandra Baluco, nasa hustong gulang at residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, habang lulan ng kanyang motorsiklo si Baluco ay dinikitan ito ng suspek na lulan din ng isang motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Mabilis na tumakas ang suspek nang matiyak na patay na si Baluco.
Iniimbestigahan pa ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaslang sa biktima.



Comments