top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Bebot na rider biktima ng carnapping

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2023
1 min read

@Balitang Probinsiya | March 6, 2023



AKLAN—Isang babaeng rider ang biktima ng carnapping matapos nakawin ng isang hindi kilalang lalaki ang motorsiklo niyang nakaparada kamakalawa sa Bgy. Man-up, Altavas sa lalawigang ito.


Sa kahilingan ng biktima, ay hindi na isinapubliko ng pulisya ang kanyang pangalan.


Ayon sa biktima, ipinarada lang niya ang kanyang motor sa tapat ng kanilang bahay, pero makalipas ang ilang oras ay nawala na ito at nang suriin ang CCTV ay dito nakita na ninakaw ng suspek ang kanyang sasakyan.


Dahil dito, agad ini-report ng biktima ang pagnanakaw ng suspek sa kanyang motorsiklo.


Naglunsad na ngayon ang pulisya ng manhunt operation para madakip ang suspek.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page