Bebot na pusher, timbog sa buy-bust
- BULGAR
- Aug 12, 2023
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | August 12, 2023
NEGROS OCCIDENTAL -- Isang 28-anyos na babaeng drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Vista Alegre, Bacolod City sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Jeralyn Asumbra, nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 22 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments