Bebot na pusher, timbog
@Balitang Probinsiya | June 20, 2023
CAPIZ -- Isang babaeng drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Bula, Mambusao sa lalawigang ito.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Menchu Go, nasa hustong gulang at nakatira sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng tatlong pakete ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments